Unang Kabiguan

Unang Kabiguan
Joselito Asi (c) January 2010

‘Di sinasadyang ikaw’y masilayan
Ako ay nabigla’t muni ay napukaw
Natuwa’t nagalak ng ngiti mo’y sumilay
Haay… naku, para akong lumulutang.

Agad kang sinundan
Upang sana’y lalo kang mamasdan
Ngunit nanlumo nang makita kang
May kadaupang palad, may kahawak kamay.

Dali-daling lumayo upang ‘wag damdamin
Ang kapaitang ayaw ko sanang danasin
Ngunit heto’t bigo, kawangis ay inutil
Walang halaga wag namang hamakin.

Kinabukasa’y naglakas loob
Pinuntahan ka’t agad ay naghandog
Pag-ibig na sadya’y nais na idulog
Subalit pait ang hatid mong dulot.

Luha’y di sinasadyang dumaloy
Sa pisngi ko’ y tumatak sumapol
Kabiguang nadama sa puso koy kumirot
Unang pag-ibig sakit lang ang dulot.

xxxxxx
Unang pag-ibig, naranasan mo ba eto? Tapos as you grew hindi naman pala love, libog lang pala.

Comments

Popular posts from this blog

Surpassed the 2100 Rating at lichess.org

Helping Cats in Need

I Will Persist Until I Succeed (by Og Mandino)