Paalam Aking Mahal

Paalam Aking Mahal
August 8, 2010 at 11:31 PM
(c) Joselito Asi

Akala ko’y tuluyan ka nang nawaglit
Sa isip at puso ko’y ikaw’y tinikis
Lahat nang nangyari’y pilit na inalis
‘Pagkat walang buting dulot ang maling pag-ibig.

Ngunit ang tadhana’y sadyang mapaglaro
Nakita kang minsang walang kibo
Iiwasan ka sana’t agad akong lalayo.
Ngunit tumimbuwang nadagil ang pinto.

Halakhakan ay di magkamayaw,
Munting pagkakamali ko’y agad sinumbatan
Ngunit nang tingnan ka sa dakong likuran
Kamay mo’y inabot, hiya ko’y naparam

Puso ko’y walang tigil sa pagpintig
Kapag kasama ka'y lagi nang may kilig
Ngunit batid kong mali’t di dapat ipilit
Dahil ikakasal ka na sa kaibigang matalik.

At tayo nga ay nagka’walay
Luha ko kanina’y ngayo’y hikbi naman
Kabiguang dulot tila magpakailanman
Kawangis ng kandila sa init ay nalulusaw..

Agad akong umuwi’t kumuha ng punyal
Isang saksak agad kong iniunday
Sa puso kong bigo sakit ay ninamnam
Paalam... paalam... paalam aking mahal.

xxxxx
Napakalungkot ng araw ko ngayon, naalala ko ang crush ko dati na may iba namang crush.

Comments

Popular posts from this blog

Surpassed the 2100 Rating at lichess.org

Helping Cats in Need

I Will Persist Until I Succeed (by Og Mandino)